Inilunsad ang bagong Globe Seafarer SIM sa ginanap na 2017 National Maritime Week na ginunita ng Globe Telecom sa pakikipagtulungan ng Luneta Seafarers Welfare Foundation (LUSWELF) kamakailan.
Sa ginanap na isang linggong pagdiriwang, nilunsad ng Globe ang Globe Seafarer SIM na nagbigay ng special rates para sa mahigit 50 destinasyon sa buong mundo. Maaaring makatawag ang mga marino gamit ang SIM sa halagang P30 kada minuto lamang at magpadala ng text sa halagang P10 kada text sa mga gumagamit ng Globe at TM sa Pilipinas. Naka-preactivate na ang SIM para sa international roaming at magagamit sa loob ng isang taon.
“We are proud that almost a third of seafarers globally are Filipinos and we acknowledge their achievements and contributions. Our goal is to provide communication solutions that supports the emotional needs of our seafarers who are longing for home and their families,” wika ni Mike Frausing, Senior Adviser, Globe International Business Group.
Kilala ang Globe sa pagbibigay daan sa komunikasyon ng mga Pilipinong marino at sa mga pamilya nila sa Pilipinas para makatipid sa mataas na halaga ng mga roaming calls. Bukod sa murang halaga, madali lang ang paglo-load gamit ang mga Globe prepaid call card, GCash, Share-a-Load, at loading via Globe retailers na available sa buong bansa.
Mabibili ang Globe Seafarer SIM sa mga Globe Airport Booths na makikita sa departure area ng lahat ng Ninoy Aquino International Airports at kabilang na din ang airport sa Clark, Cebu, Davao, at Iloilo. Makukuha din ito sa Globe booth sa mga tanggapan ng Maritime Industry Authority (MARINA) at LUSWELF sa Maynila.
Samantala, nakibahagi ang Globe sa adbokasiya ng LUSWELF na pangalagaan ang mga pangangailangan ng may mahigit na 400,000 na Pilipinong marino.
“Seafaring is a demanding job as experienced by hundreds of thousands of Filipinos who are part of the international maritime community. Globe Telecom’s support of the National Maritime Week is our way of saluting Filipino seafarers who make great sacrifices away from home in order to play a central role in international trade,” wika ni Frausing.
“Globe is a valuable partner for us, supporting our programs and the needs of our seafarers,” pagbabahagi naman ni Don Ramon A. Bagatsing, Chair at CEO ng LUSWELF. “They are also very engaged with the maritime industry. Their latest offering, the Globe Seafarer SIM, will address the communication needs of our seafarers abroad with an accessible, affordable and easy-to-use product.”
Ang tanggapan ng LUSWELF sa Maynila ay nagsisilbing tagpuan ng mga marino simula pa noong 1980s kung saan naroroon din ang mga manning agencies upang isulong ang kanilang mga kumpanya sa mga aplikante. Dito din ginunita ang National Maritime Week kung saan pinagdiwang ang serbisyo at sakripisyo ng mga Pilipinong marino upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga pamilya.
Nagkaroon din ng Boodle Fight at Karaoke Night sa pagdiriwang na inisponsoran ng Globe sa pamamagitang ng International Business Group.
Comments
Post a Comment